Sunday, July 15, 2012

Paglilinaw tungkol sa Bagong Patakaran tungkol sa Pagpapalit ng Trabaho



SOURCE:http://migrantok.org/english/viewtopic.php?t=588

Magandang araw po!



Dahil medyo magulo po ang bagong patakaran sa pagpapalit ng trabaho after magpa-release, nais ko lamang pong linawin ang ilang importanteng bagay:



1. Hindi na makakatanggap ng listahan ng companies (o referrals) ang mga EPS workers na release.



2. Magrerekomenda ang Job Center (고용센터) ng 3 manggagawa sa bawat 1 bakanteng posisyon sa kumpanya. Kung halimbawa't 3 workers ang available na positions sa 1 company, 9 na workers ang irerekomenda ng Job Center sa companies na iyon.



3. Ang employer ang tatawag sa mga EPS worker at iinterbyuhin niya ang mga ito. Kung hindi niya ito magustuhan, dapat may sapat siyang dahilan at ispesipikong kondisyon para sa trabahong inooffer niya. Dahil may laging times 3 ang workers na irerecommend lagi siyang may extra 2 choices.

4. Maaaring mag-turn down ng job offers ang EPS worker. SUBALIT, sa ikatlong beses na hindi pagtanggap ng worker sa job offer, masusupindi siya ng 2 linggo. Ibig sabihin, sa tuwing may available position para sa 1 kumpanya, hindi siya isasama sa mga irerekomenda ng Job Center.




5. Pansamantalang ititigil ang "sajang day." Hindi na rin maaari ang under the table contracts with the companies o 'yung pakikipag-usap sa mga employer na walang permiso galing sa Job Center.



6. Sa loob ng 3 buwan at wala pa ring nakukuhang trabaho ang dayuhang manggagawa, kinakailangan na niyang bumalik sa kanyang bansa kung hindi'y magiging illegal worker na siya.

Maraming salamat po sa inyong lubos na pang-unawa.




- Katherine Corteza (Counselor/Interpreter para sa mga Filipino ng Korean Migrants' Center)







ito po yung orihinal na post tungkol dito: http://migrantok.org/english/viewtopic.php?t=587
Sa ibaba naman po maaari niyong i-download ang orihinal na kopya sa wikang Koreyano. para sa mga tanong, tumawag lang sa 1644-0644 (walang area code, medyo may katagalan bago mag-ring, hintayin niyo lamang po. Korean po ang menu, pindutin ang 7 para sa extension sa Filipino/English)

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More