Monday, January 7, 2013

POEA Advisory on EPS-Topik CBT NEW


SOURCE: www.poea.gov.ph

POEA Advisory No. 1
Series of 2013
January 2013
Computer-Based Test of Proficiency in Korean
Employment Permit System
Kayo ba ay kabilang sa mga nanggaling sa Korea at nagtrabaho sa ilalim ng
Employment Permit System (EPS) na nais makabalik sa bansang nasabi?
Narito ang inyong pagkakataon kaya inyong alamin kung kayo ay kwalipikadong makabalik at kung
paano ang dapat gagawin:
1. Ang mga kusang-bumalik (voluntary returnee) mula sa Korea simula noong 1 January
2010 na hindi pa lampas sa 38 years old sa umpisa ng CBT Registration (mula sa mga
ipinanganak ng 14 January 1975) ang sakop ng ganitong programa upang muling
makapagtrabaho sa ilalim ng EPS.
Hindi na maaaring mag-apply ang lampas na ng 38 years old ng 14 January 2013 at ang mga
may Korean record of overstaying or illegal stay.
2. Sa pamamagitan ng bagong ipatutupad na Computer-Based Test of Proficiency in Korean
(CBT-TOPIK) ng Korean Ministry of Employment and Labor (MOEL) sa pamamagitan ng
ahensya nitong HRD Korea, ang makakapasa sa language test na ito at maging sa kaukulang
health qualification pagkatapos ay muling maisasama sa EPS Jobseeker Roster para
magkaroon ng pagkakataong mapiling muli ng Korean EPS employers at makabalik sa Korea
sa maikling proseso, na dadaan pa rin sa POEA.
3. Tingnan sa POEA website (http://www.poea.gov.ph/) ang Announcement ng MOEL-HRD
Korea para sa kaukulang mga alituntunin ukol sa CBT-TOPIK.
4. Ang unang CBT-TOPIK registration ay gagawin sa loob ng limang (5) araw (14 to 18 January
2013) para sa National Capital Region, Luzon, Visayas at Mindanao sa mga sumusunod na
dako:
National Capital Region and South Luzon
Occupational Safety and Health Center (OSHC)
North Avenue corner Agham Road
Diliman, Quezon City
North and Cental Luzon
POEA Regional Center for Luzon
2nd Floor, LZK Zambrano Bldg.
Quezon Avenue, San Fernando City
La Union
Visayas Region
POEA Regional Center for Visayas
DOLE Bldg. (Insular) Gorordo corner General Maxilom Avenues, Cebu City
Mindanao Region
POEA Regional Center for Mindanao
2nd Floor, AMYA II Bldg. Quimpo Boulevard corner Tulip Drive
Ecoland, Davao City
5. Ang actual computerized examination ay magsisimula sa February 19, 2013 na gagawin sa
nag-iisang CBT Venue na matatagpuan sa 6th Floor ng POEA BFO Building sa Mandaluyong
City, sang-ayon sa ibibigay na schedule o individual test date ng HRD Korea at i-aanunsyo sa
POEA sa website simula sa February 7.
6. Naririto ang mga kailangan sa araw ng CBT-TOPIK Registration:
 Kopya ng Pasaporte na may tatak ng kusang paglisan sa Korea
 Application form na may kopya ng pasaporte at 2 colored pictures (passport size 3.5 cm
x 4.5 cm taken within 6 months). Ang CBT Application Form ay ipapamahagi sa dako ng
CBT registration.
 Php996 Test Fee (peso equivalent of USD24) na babayaran sa Landbank branches sangayon
sa POEA Order of Payment
7. Ang Computer-Based TOPIK ay tatagal ng 70 minutong tuloy-tuloy. Ito ay binubuo
ng Reading (40 minutes) at Listening (30 minutes) components.
8. Upang maging sistematiko ang pagpunta ng mga nais magparehistro, sundin po lamang ang
kaukulang takdang araw sang-ayon sa simula ng apelyido/surname sang-ayon sa sumusunod
na letra:
Lunes (14 January) : A to E
Martes (15 January) : F to J
Miyerkules (16 January) : K to O
Huwebes (17 January) : P to T
Biyernes (18 January) : U to Z
Salamat sa inyong Pagtugon at Kooperasyon.

6 comments:

Anonymous said...

pno po kya kng.kng dati banda,,ngtnt..tas nahuli pwede pb mkblik 4yrs n xa sa pinas..

Anonymous said...

gusto kopa pong makabalik sa korea,kaso ako po ay 42 na.umalis po ako noong march 6,2006 at natapos po ang kontrata ko nitong april 15,2012.

Unknown said...

paano nmn po ung not more than 38 y/o pero 1974 pinanganak? example july 14, 1974, bakit po d cla kasama sa list ng mga qualified applicants eh 38 yrs old pa rn nmn kami, d ba ang requirement eh 18-38, sana man lng kinonsider nila ung mga 1974 pinanganak na d lampas ng 38..

Unknown said...

Uhm available po ba yung EPS TOPIK sa mga first timers? Thanks po.

Anonymous said...

...hmmm..is this special eps-topik for returnees only? pano po yung mga first timers?...pwede pa ba magregister? thanks.

Anonymous said...

matutuloy kaya gera
ngAalala kc aq bka d aq mkpunta

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More