Friday, August 26, 2011

Ako'y mag babalik, hatid ko'y pagbabago...

Sa araw na ito, ako ay nagbibilang nalang ng araw dito sa bansa na pinagtratrabahuan ko, dahil matatapos na ang kontrata ko at akoy magbabalik na sa lupang sinilangan.

Mag-aanim na taon pala ako dito sa S.KOREA pero sariwa parin sa aking alaala noong bago pa ako...

Simula noong nasa paliparan pa ng INCHON Airport papuntang training center , naisip ko kaagad na KAILAN kaya ako makakauwi or MAKAAUWI pa kaya ako? Yan kaagad ang tanong ko sa sarili ko.


Ang buhay abroad lalo na dito sa Korea ay hindi madali, may dinadala kang 3D palagi kung tawagin- Dirty, Difficult at  Dangerous.Minsan may mga pangyayari na di natin maiwasan at ang masama pa nito nadagdagan ng isang D for Death, kaya doble ingat para maiwasan ang disgrasya.

Mahirap talaga ang buhay abroad,karamihan sa mga Pilipino dito ang problema ay tatlong "K"

Una ang Komunikasyon, dahil alam naman natin ang Korea ay hindi English Country, kaya kadalasan di kayo magkakaintindihan, advice nga ng iba, ngiti-an mo nalang.. hehehe. Talagang mahirap pag-aralan ang wikang banyaga minsan aabot pa ng isang taon bago matutong magsalita or magbasa at kahit na ikaw ay nag aaral pa ng lingwahe bago pumunta dito.

Pangalawa yong Kultura, iba kasi ang kultura ng Korea kaysa sa atin kaya mahirap mag-adjust, you need more time to study, observe and adopt. Pag di ka marunong humawak ng chopstick. hingi ka nalang kutsara at tinidor.

Last, yong Klima, lalu na pag tag lamig ang hirap mag trabaho kung ang kompanya mo ay walang heater at nasa labas pa kayo magtratrabaho.. katulad ko pinapawisan kahit malamig at nagyeyelo na.Sa gabi naman kung wala kang heater sa bahay talagang di ka makakatulog- maghahanap ka nag kayakap or di kaya kumot na makapal.. nakajacket at pantalon minsan. Kahit ganun paman tiis tiis lang para may ipapadala sa pamilya dahil ang sahud sa S. Korea di mo makikita sa Pilipinas.Lahat ng pagud mo mawawala pagnakatanggap ka isang MILYON  hindi peso but KOREAN won which is approximate to 40k pesos..


Hay, buhay nga naman... naalala ko tuloy yong ibang kakilala ko na Pilipino dito, na ang ASAWA daw nila sa PILIPINAS nag- a iloveyou lang daw pag malapit na ang sweldo ni mr.. pagkatapos wla na.. antayin na naman ang isang buwan para mag say i love you.




Ako'y mag babalik, hatid ko'y pagbabago....

Maraming beses sa isang araw ,, akoy nagtatanong sa sarili ko.. HANDA na ba talaga akong bumalik sa pilipinas at maghahatid ng pagbabago?
Hindi madaling sagutin pero kakayanin ko..

Isa sa mga pagbabago siguro na hatid ko sa pag uwi ay ang pagtulong sa KAPWA, at ang pagsisimula ng maliit na negosyo para umunlad naman ating bayan...hindi yong magtrabaho ka nalang sa ibang bansa habang buhay.

7 comments:

Anonymous said...

tama po, di madali ang magtrabaho sa abroad..akala nila madali lang.
goodluck po

Anonymous said...

Dapat lahat ng Pinoy gaya mo mag-isip. Sa pagbabalik natin dapat kasama sa pangarap natin kung paano i-aahon ang bayan natin para hindi na natin kailanganing humiwalay sa pamilya para lang may ipangtustos sa ating mga pangangailangan.

ray said...

maraming salamat sa lahat nag vote for my blog and to all who commented here.. million tnx

Maria Geozh (LLC-Cebu Phils) said...

ang malayo sa pamilya ay hindi madali lalo na kung ang ating nakasanayan magmula pagkabata ay ang pagiging family oriented nating mga pinoy....
Sana lahat ng pamilya na may kamag-anak sa abroad ay di dapat makalimot sa pagpasalamat madalas sa kanyang kabayanihan na ginagawa para maitaguyod ang naiwang pamilya sa mabuting pamumuhay...at mapagtapos nang pag-aaral ang anak,kapatid o kamag-anak...Saludo kami sa lahat ng Pinoy na sumusulong sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa...

Eoz said...

another PEBA Entry!! Good Luck po!
Sang ayon po ako sa lahat ng sinabi nio, lalo na un 3D (hopefully wala ng 4D).

God Bless the OFW!!

Anonymous said...

sana ganyan lahat ng nagaabroad, iniisip ang pamilya, mrami kc nkkakita na sa ibang bansa ng ibang pamilya

McRICH said...

Congratulations sa iyong entry :) Mabuhay ang mga OFWs!

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More